Tuesday, March 22, 2011, 5:16 AM

Title: Bulong


Hindi naman kailangan pang bigkasin ng puso kong sawi
Mga bagay na tayo lang ang nakakaramdam
Ang iyong mga ngiti
Mga mata mo at mga labi
Matanaw pa lang sa malayo
Kutis at mukha ng taong sinusuyo



Hindi naman kailangan pang awitin
Mga kantang inialay para lamang sayo giliw
Ang taas ng iyong minimithi
Ang lawak ng iyong pag-unawa
Ang lalim ng iyong pagmamahal



Hindi na kailangan pang sayo ay aking ulitin
Mga pangarap ko sa bukas na darating
Ikaw lamang aking sinta
Ikaw sa isip parati
buong pagkatao at kaluluwa



Akin ka na lang habang buhay
Dito sa aking piling iyong bigyang kulay
Akin ka na lang habang buhay
Hindi ako magsasawang ikaw ay mahalin
Akin ka na lang habang buhay
Sana ay hindi na ako magising
Akin ka na lang habang buhay
Sana ay hindi mo ako lisanin
Bulong sa pagsikat ng umaga
Bulong ko sa tadhana at kay bathala
Sana ay ako na lang ang iyong mahalin

Labels:



0 Comments:

Post a Comment

About Me section

Cheryl Ching
Blogger


9intervals, the idea is derived from a cat having nine lives. I guess, I don't have to tell you how much I love cats! We've been through intervals in this lifetime. Guess, I'm lucky to be alive. I don't think I would be lucky the next time. But nevertheless, we have our intervals. A certain episode that we remember in the past that affects our future. Or maybe just something that we can learn from. A little something to look back to.

Chat Box



Personal - Top Blogs Philippines

Music Box

Under construction
Add me if you want

Facebook



My Archives



Welcome to existence.... everyone's here.... What happens next?