Title: Tuliro
mga araw na lumipas
hindi ko man lang alam
kung saan patungo
ang puso kong hapo
ang tangi kong alam
ay sumunod lamang sayo
sumunod at umalalay sayo
kung ito ang paraan
upang mawala ang aking pagkalito
kung saan man ako dalhin
ng mga talampakan ko
wala na akong pakialam
gaano man kalayo
gaano man kadilim
gaano man kadami
silang mababait na
kulay itim
kahit saan
basta patungo sayo
kahit kailan
basta sinabi mo
kahit ano
huwag lamang malayo sayo
hanggang natuto na din
si makatang sumulat sa sarili
niyang wika
bawat tula
bawat linyang sinasalita
bawat tanung na dumapo sa isipan
isa isang ilathala
meron ka na nga bang pinagbago?
mula ng una kita makilala?
hindi ko na alam kung
alin ang paniniwalaan sa kanila
siya bang nakilala ko lamang sa malayo?
o ang taong isang dipa lamang sa akin ang tayo?
nang binalikan ko ang natatanging alaala
naririto ka aking nakasama
ngunit ibang tao naman ang ating pinoproblema
iba sa akin
ngunit hindi sayo
dahil lamang ba sa kanya
kung kaya kita nakasama?
dahil lamang ba sa kanya
kung kaya't ikaw ay aking nakilala?
sino ka ba talaga
kung wala sya?
sino ka ba talaga?
kung hindi mo sya nakilala?
nais kong ipaalam sayo
minamahal kita
kahit hindi ko alam kung sino ka
ang pag-ibig na ibinigay
ay hindi man bumalik
sa tula ko na lamang
ibabaling ang sakit
dahil hindi nararapat
dahil hindi dapat ipagtapat
dahil ayaw kong mawala ka
isang segundo man
sa aking alaala
Labels: poetry
0 Comments:
Post a Comment
Cheryl Ching
Blogger
9intervals, the idea is derived from a cat having nine lives. I guess, I don't have to tell you how much I love cats!
We've been through intervals in this lifetime. Guess, I'm lucky to be alive. I don't think I would be lucky the next time. But nevertheless, we have our intervals. A certain episode that we remember in the past that affects our future. Or maybe just something that we can learn from. A little something to look back to.
Under construction