Saturday, October 29, 2011, 10:03 PM

Ninakaw sa akin ang pag-asa
na makalikha
Muli para sa iyo
isa pang katha

Makakaya ko pa kayang?
Sumulat
Muli para sa iyo
isang taong dapat ko pa bang
tawaging aking sinta?

Sinisinta ko lamang
Ikaw na akala ko ay may tapang
Sinisinta ko lamang
Ikaw na akala ko ay may galang

Isang duwag ang nakipagkita sa akin
sa tagpuan namin sa oras ng
takip silim
Isang bastos ang humarang sa akin
sa tagpuan namin sa oras ng ikaw
ay aking kinailangan

Ang taong minahal ko ay kilalang kilala ko
Ang taong nakilala ko ay malayo
sa impostor at traydor na kinasusuklaman ko

Mabuti pang sumulat sa sariling wika
Madaling maisasambulat
ang lahat ng nararamdamang pagkutya
Inuusig ka ba ng iyong kaluluwa ?
Meron ka ba nito ngayong nakita kong
wala kang alam at awa?

Kailangan bang saktan
Kailangan bang pahirapan
Upang mapukaw pagtingin na hindi nararapat?


Nararapat nga ba na hindi na kita nakilala?
Nararapat na lang sana na ikaw sa malayo
ay aking nakikita
Ang oras na nawala ay hindi na maibabalik pa
Ang sakit na naidulot ay maghihilom pa nga ba?

Hanggang dito na lang
kapag naisipan mong bumalik pa
Hanggang dito na lang
Nasayang lamang ang nasimulan na nating
dalawa


0 Comments:

Post a Comment

About Me section

Cheryl Ching
Blogger


9intervals, the idea is derived from a cat having nine lives. I guess, I don't have to tell you how much I love cats! We've been through intervals in this lifetime. Guess, I'm lucky to be alive. I don't think I would be lucky the next time. But nevertheless, we have our intervals. A certain episode that we remember in the past that affects our future. Or maybe just something that we can learn from. A little something to look back to.

Chat Box



Personal - Top Blogs Philippines

Music Box

Under construction
Add me if you want

Facebook



My Archives



Welcome to existence.... everyone's here.... What happens next?